Following Jesus and Live a Life Abundantly

Scripture Text: Mark 8:34 to 37

 Then Jesus called the crowd to himself along with his disciples and told them, “If anyone wants to follow me, he must deny himself, pick up his cross, and follow me continuously, 35 because whoever wants to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake and for the gospel will save it. 36 What profit will a person have if he gains the whole world and forfeits his life? 37 Indeed, what can a person give in exchange for his life? 38 If anyone is ashamed of me and my words in this adulterous and sinful generation, the Son of Man will be ashamed of him when he comes with the holy angels in his Father’s glory.”

deny-yourself

Samahan nyo po muna akong manalangin ..

Dakilang Maykapal, gamitin Nyo po ako sa Iyong pagpapahayag ng Mabuting Balita para sa lahat ng makakabasa nito. Hindi ako Panginoon bagkus  Ikaw po ang madama nilang nagpapahayag ng reflections ito upang pumasok sa kanilang mga puso at gawin ang mga bagay na nais Ninyo po para sa ikakaganda ng kanilang mga buhay. Ito ang aking mapagkumbabang dalangin sa ngalan po ni Jesus na aming Tagapagligtas at Kaibigan. Amen.

Sino sa inyo ang gustong mamatay ngayon?! Taas ang kamay.

I’m sure takot kayong mamatay ngayon dahil marami pa kayong nais gawin sa buhay. Takot kayong mamatay dahil masaya ang buhay kahit mahirap, malupit at mapanghusga ang lipunan sa ating mga bakla, lesbiyana, silahista at transgenders. Ako din takot. Sino bang hindi matatakot sa kamatayan? Hindi ko din bet ma chukbak now. Pretty ang buhay.

Bakit ko naitanong yan? Maya ko sagutin..

To follow Christ, ay may tatlong bagay ang isinaad sa ebanghelio ngayon.

  1. Deny himself/herself
  2. Pick Up His/Her cross
  3. Follow continuously

I.Deny Yourself

As an LGBT person, as gay person, denying one’s self does not mean denying one’s sexuality. My sexuality as gay person is part of being as I am. Denying one self means offering yourself for others. Ready kang isuko ang sarili mo, ang iyong interest, ang iyong nais para lamang sa iba, para sa ating Panginoong Jesus, para sa iba.

Noong nasa seminario ako sa Union Theological Seminary, yung mga embedded theology namin ay winasak. Bakit? Para may papasok sa aming mga utak. Kasi nga naman kung puno na ang baso ng tubig, papaano pa ito malalagyan ng tubig? Di ba matatapon yung ilalagay na tubig kapag puno na ito?! Kaya kailangang sirain o tanggalin ang mga embedded theology namin para mag pasok ng mga bagong theologies. Kaya nga kami nag aaral upang may malamang bago.

Ganun din sa atin, kung nais nating sumunod kay Jesus sa kanyang nais na maging maganda ang buhay natin ay kailangan natin sirain ang mga luma, primitive na kaugalian natin. May mga tradition tayong hindi maganda. Kailangang nang baguhin.

II.Pick Up Your Cross

Hindi madaling sumunod kay Lord. Hindi natin kaya ang ginawa nya. Siya lamang ang nakagawa noon. Hindi na natin nais mag papako sa cross para lamang masabing sumusunod ka sa Kanya. Isang malaking cross sa atin, at ito ang very distinct sa Christianity ay yung turo Nya na

“Love Your Enemies”.

But I tell you, love your enemies and pray for those who persecute you,

– Matthew 5:44

love-your-enemies

Mahirap ito, isa itong cross sa atin. Mahirap mahalin ang kaaway di ba? Sino sa inyo ang walang kaaway? Kung wala, paano mo ito masasabing hindi kaaway? Ano ang iyong ginawa upang mawalan ka ng kaaway sa buhay?

Ako, may kaaway ako, pinatawad ko na sila noon pa pero aminin ko man o hindi ay hindi ko pa din napapatawad sila kasi gusto mong gumanti. Gusto mong masira din ang buhay nila. Gusto mong maranasan nila ang sakit ng bawat pangyayaring ginawa nila sa iyo. Yun ang cross natin. Yun ang hindi natin magive up.

Kaya anong dapat gawin? Patawarin mo ang sarili mo. Hindi mo man malimot ang nakaraan ay at least napatawad mo na ang sarili mo. Mag focus ka sa ngayon hindi sa nakalipas. Ang nakalipas mo ay isang karanasan. Huwag na muling mangyayari sa iyo. Learn the lesson of the past and move on with your life.

III. Continously Follow Jesus

Continously means hindi paminsan minsan kundi lagi. Lagi kang sumunod sa kanya. Paano mo malalaman ang mga utos ni Lord? Magbasa ka ng 4 Gospels. Sa 4 na Gospels makikilala mo ng mabuti si Jesus.Ano ba ang sinabi ni Jesus? Simulan mo sa Gospel according to Mark, then sa Luke, then sa Matthew and finally sa John. I’m sure, makikilala mo kung sino si Jesus base sa iyong katayuan sa buhay, lgbt ka man o hindi, mahirap ka man o hindi, may pinag aralan ka o hindi. Malalaman mo si Jesus sa mismong sinasabi nya. Magbabago ang buhay mo kung siya lamang ang susundin mo. BUT, you need to invoke the Holy Spirit first bago ang iyong pagbabasa ng 4 Gospels para mas ok ang iyong pagkilala kay Jesus.

Gusto mong gumanda ang buhay mo?

Follow Christ and he will give you life abundantly.

Juan 10:10d “Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan

 

mark 8.36.jpg

Sa Verse 36 …What a profit of a man..

Dito ako na convert..dito ako nag isip.

Dahil nung una siyempre ang gusto ko yumaman, magkaron ng isang malaking bahay, magkaroon ng maraming sasakyang bago, madaming pagkain, makapag travel, etc.

Pero minsan sa buhay ko, tumigil ako. Anong mapapala ko nga naman kung nasa akin na ang lahat pero ang kaluluwa ko naman ay hindi mapapunta sa langit? Ngangers ang lola mo?!

So I decided na pumasok sa seminario, kaso bumagsak ako sa exam sa San Carlos Seminary, pati na din sa Immaculate Conception Seminary sa Guiguinto, pero nakapasok naman ako sa Order of Friar Minor Conventual sa Novaliches. Naging Franciscano, naging paborito kong0 saint si Saint Francis of Assisi dahil sa kanyang bonggang pagtalikod sa yaman ng mundo at naging monastic ang life nya. Nagtayo siya ng isang samahan para sa mahihirap pero ngayon sila ang pinakamayamang Religious Order sa Simbahang Romano Katolika

11 years after kong lumabas noong November 7, 1990 ay nakapasok naman ako sa isang protestanteng seminario sa Dasmarinas Cavite noong June 22, 2002..nakatapos ng Master of Divinity noong March 29, 2008, naordinahan noong September 14, 2008 sa isang UCCP Chapel sa EDSA. At nakapagtayo ng isang church na SEC Register noong Dec 7, 2012.. at ngayon ay dumarami na nakaka alam sa LGBTS CHRISTIAN CHURCH INC. bilang isang Church para sa lesbians, gays, bisexuals, transgenders at straight people. Affirming and Welcoming church. Walang pagtatangi. Walang Panghuhusga. Sa LGBTSCC, tanggap ka kung sino ka, ligtas ka kung ano ka. Isang maliit na simbahan lamang kami na wala pang physical huge church. Pero ang influence ay sadyang malaki na.

Sa awa ng Maykapal. Hindi ako nagugutom, nakakapag travel ako. Nakatira ako sa isang maayos na bahay, hindi man sa amin pero maayos na lugar kasama ang partner kong si Marlon at ang anak anakan naming si Brando at si Angelito na mejo pasaway pero naniniwala ako sa pagbabago ng sarili ay nagmumula sa sarili nya mismo. Hindi galing sa iba kundi sa kanya mismo ang pagbabago. May kalayaan tayong mamili sa kaliwa o sa kanan, maging masama o maging mabuti. Ikaw ang magdedesisyun nun. Hindi sa akin, hindi sa kanila kundi ikaw.

I have decide to follow Jesus no turning back, yan ang natutunan kong kanta noong nasa Marian Youth Movement pa ako noong high school sa GSIS Village High School sa Proj 8, Quezon City. Ang lakas ng maka leader namin noon. We are trained/formed as leader. Kasi we follow Christ Through Mary. yun ang tagline namin sa MYM.

If you want to live an abundant life. Follow Christ..and live a a happy and contended life.

That is for sure.

Conclusion

I suggest after reading this search nyo po ang “Christ is Enough”. Namnamin po ninyo ang bawat lyrics ng kanta. At doon ko po tatapusin ang reflection/sermon kong ito. Salamat po. Lahat ng ito ay inaalay ko po sa ngalan ng Dakilang Maykapal, ni Jesu Kristo at ng Diwang Banal. Amen.

For more suggestions, inquires, feel free to message me sa rev.ceejay@yahoo.com or sa FB ko sa RevAgbayani Crescencio.