Walang Masamang Maging Bakla

Walang masamang maging bakla. Ang masama ay mang husga sa mga bakla na sila ay masama.

Bakit ba kapag bakla ang napag uusapan ay kasamaaan agad ang dinidikit sa atin? Lagi na lang nilang sinasabi na ang pagiging bakla ay hindi ginawa ng Diyos dahil lalaki at babae lamang daw ang ginawa ng Diyos? eh ano ako? sinong gumawa sa akin?!

Walang masamang maging bakla. Lalo na’t wala ka namang ginagawang masama sa kanila.

Masama kang bakla kung pumatay ka ng tao, nanakit ka ng kapwa mo, naninira ka ng dignidad ng ibang tao, etc. Magiging masama kang bakla kung may chaka kang ginawa sa ibang tao. Pero kung bakla ka at wala ka namang ginagawang masama sa kapwa mo hindi masama yun. Actually, MABUTI ang mga BAKLA, LESBIANA, BISEXUAL, TRANSGENDER.

Ang LGBT ay mahalaga sa Pamliyang Pilipino. Tayo ay very family oriented na tao. Ang lagi nating concern ay ang ating mga pamilya, second na lang ang jowa op kors! 

Alam naman nating lahat na ang motibasyon ng mga bakla upang kumayod ng kumayod sa work ay dahil sa kanilang wagas na pagmamahal sa pamilya. Lalo na sa panahon na may sakit na ang mga magulang natin. Tanging ang LGBT ang nariyan upang magbantay, maghanap ng pambili ng gamot, at mag asikaso sa mga bagay bagay upang manumbalik lamang ang lakas ng magulang na nagkakasakit.

Hindi masama ang maging bakla. Mabuti tayo. Mabuti dahil ginawa tayo ng Diyos na sadyang mabuti sa lahat ng kanyang nilalang.

Huwag tayong maniniwala na masama tayo. Mabuti tayo po.

Reverend Ceejay Agbayani

2 Comments

  1. I hope u can help to have my dream wedding come true. Me at ang fiance ko po ay nagbabalak pkaal dito sati s pilipinas pro wla po ako alm n pwdeng magofficiate hope you can help us thank u

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s