My Reflection After the Symposium on Same Sex Marriage last Feb 14, 2014

Image

Nais ko lang mag sulat patungkol sa naging karanasan ko kahapon sa Symposium ng UE College of Law sa Integrated Bar of the Philippines.

I have to admit mega excited ako nnung may nag imbita talaga sa akin from UE College of Law dahil naghahanap ako ng kakamping lawyers na magsusulong ng Marriage Equality sa Pilipinas.

Alam nyo naman ako always nakabantay sa nangyayari sa USA, at talagang hangang hanga ako sa galing ng mga lawyers at LGBT activists sa US kung paano nila naisulong ng bonggang bongga ang Marriage Equality.

Same Sex Marriage is not a religious battle but on legal battle talaga naman. So excited na excited akong marinig ang punto de vista ng mga presenter ng same sex marriage. High hopes ako dun. Pero na sad lang ako when the Main Presenter, a retired lay judge presented her two-hour talk on same sex marriage and ended up to be the lawyer-presenter for the stand of the Roman church against same sex marriage. She even started with cell-sperm presentation and concluding it with the statement from Cardinal Ratzinger also known as Pope Benedict XVI. Kaya nga yung isang pari from Sacred Heart sa QC ay konte na lang ang sinabi dahil halos sinakop na nung retired woman judge ang stand ng Roman church. Well I found out that the retired woman judge is a law graduate from UST, Now I understand.

Kating kati na akong mag react, nasa program na ako ang unang reactor, pero pinasingit si father abraham has man children dahil may pupunatahan pa daw ang lolo mo. so instead na ako ang mag sasalita eh siya muna mabuti na lang ang konte na lang sinabi nya at ako naman..

To be honest, ngayon lang ako kinabahan sa aking talk, dahil alam ko ang audience ko ay mga future lawyers at mga laywers talaga plus karamihan na nasarahapan ko ay mga babaeng nakapang muslim ang outfits so parang nawiwindang aketch. actually lutang nga ako ng konte pero siyempre dapat good posture and confident ang peg mo kapag ganun din.

So yun na nga, I presented my points, with powerpoint pa.

Of course as always dapat may konteng jokes sa presentation para naman mabuhayan sila dahil nung unang nag salita ay so nakaka antok na. so nagising ko naman ang kanilang mga diwa sa mga gay lingo chuness churvaloo.. you known na!

Then nag present yung isang clinical psycologist, the yung Guidance head ng UE Caloocan na si Mrs Moog, bata pa siya at supporter ng LGBT rights..so ang naging kakampi ko sa symposium ay yung dalawang base sa scientific expertise nila na hindi masama ang maging LGBT.

And of course ang mga nating antin ay yung representation from the Islam religion, the Roman church and the Main speaker. pero hati naman ang audience. may mga supporters din naman sa mga pro-same sexmarriage.

May isang dumating na Baptist Enagelical pastor ata yun na may hawak na biblia at nag comment during the open forum na distorted daw ang aking presentation on Biblical text. He even encourage the audience to read the bible. Mabuti naman at tumayo si Raymond Sebastian na nakatshirt na itim na may sulat na “HUSBAND” ang kanyang suot na nagbigay ng kanyang pagtutol sa sinabi nung isang evangelical baptist pastor. At bonggang bongga nyang winindang siya! Mabuti na lang may kasama ako talaga nung symposium.

Dahil nga sa sobrang late na symposium maraming nais mag salita pero kulang na ng time patapos na ang symposium, may isang audience na kinuha ang mic nagbukas ng biblia ay binasahan kami, natatawa na lang ang mga tao dahil habang binabasa nya eh nangininig ninag binasa kitang kita sa paghahawak nya ng biblia. hinayaan naman siyang mag salita at sabi nya ang biblia daw ay hindi nagbabago itinaas pa nya. Sa isip isip ko, tagala hindi nagbabago ? eh pang ilang translation na kaya yung hawak nyang biblia?

So the moderator ng symposium insisted the awarding of the certificate of appreciation should be given to all guests.

Formally natapos kami sa pamamagitan ng isang group picture.

Image

May ilang bagay lang akong napansin:

“Ok sa amin ang mga bakla pero hindi ang act.”

Ang sagot ko lagi dito ay, Anong masama sa homosexual act kung bakla naman kami? Kasama ng pagkatao namin ang act dapat hindi ninyo hinihiwalay yun. And besides walang masama sa homsoexual acts kung homosexual naman kami , di ba?!

“Lifestyle”

Anong pagkakaiba ng lifestyle ng mga bading sa lifestyle ng mga straights? We eat, we drink , we sleep.. ganun din kami. walang pinagkaiba. Or dahil party party ang mga bakla? Di ba ang mga straights din naman party party! or dahil pervert daw ang mga bakla? Di ba ang mga straights din naman ang ilang ay perverts? Bakit kailangang izero in ang mga sexual immoralities sa mga bakla? Homosexauls are good people. We are not bad people. Do not demonize us and make your self malinis in the eyes of your bigotry and biases di ba?!

I hope you were all there during the symposium para ma witness yung nangyari. This is the only written account na maisusulat ko po. Hindi ako kagalingang mag sulat may madaldal ako in person mag kwento eh. Sana maikwento ko sa inyo ang lahat.

Muli akong nagpapasalamat kina Raymond and Charles sa kanilang malakasang loob na mag suot ng “HUSBAND”  during the whole symposium and even after.. plus sa mga Queereye members na sina Grace at Sweet.. specially kay Grace na all pink talaga ang outfit at kay Loyd na aking bodyguard🙂

Image

and again sa UE College of Law kay Charmaine and Ian na nag email at tumawag pa sa imbitasyon. Pagpalain kayo ng dakilang Maykapal.

For more info about Same Sex Marriage, Same Sex Weddings in the Philippines, feel free to text or call 09152904310 or email me at rev.ceejay@yahoo.com. I will be happy to assist you.

MABUHAY ANG SANGKALGBTIHAN SA PILIPINAS!! WALANG MATATAKOT. MAKIBEKI, WAGMASHOKOT!!

 

Pahabol:

Now I realized that the Project Philippine Interfaith LGBT Conference ay kailangang ituloy na. Sana may mag fund ng project na ito.

6 Comments

  1. hooray for You nangnang,I saluted all your hardworked to…expressed the feelings of LGBT! And I always remembered this…Standing alone doesn’t mean we are alone.It means we are Strong..We are Strong enough to handle the things all by ourselves!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s