Transformation of a Gay Christian by Rev.Ceejay

PAGBABAGONG BUHAY

Malaki ang pasalamat ko nang matagpuan ko ang isang church na nagkakalinga sa mga gays, lesbians, bisexuals and transgender. Nagbukas sa aking isip at nagbago ang aking buhay dahil dito.

 

Bata pa lang ako, alam ko na na beki na ako, kasi lagi akong inuulit o tinutukso ng mga kaklase ko sa school. Minsan pa nga nakipag suntukan pa ako noong grade 1 ako sa probinsya. Suntok ang panlaban nya, ako naman, sabunot ang panlaban ko.

 

Masakit kasing tawaging bakla noon kasi hindi pa ako out sa sarili ko.

Malaking tao ako, matangkad kaya kahit tinutukso nila ako, lumalaban ako. Pero iba pa din pala kung tanggap mo ang sarili mo.

Kadalasan ang mga kaibigan ko sa school ay puro babae, hindi ako sumasali sa mga lalaki unless klase namin.

Pumasok ako ng seminary noong 1990 para mapagtakpan ko ang kabaklaan ko. Kasi naniniwala ako kapag pari ka kahit bakla ka hindi ka nila babastusin. Pero lumabas din ako ng Order Friar Minor Conventual noong November 7, 1991, at nag aral na lamang ako sa FEU ng AB Political Science.

Noong 1999, may naimbita sa akin sa isang Bible Study ng mga bading. Doon ko na laman na pwede palang mag aral ng Biblia ang mga beki. Doon ko lang na reconcile ang sexualidad ko at ang aking spiritualidad.

Nang pumasok ako sa Union Theological Seminary noong 2002. Dun ko napatunayan na Homosexuality is not a sin, not a sickness. Doon ko minahal ang sarili, doon ko din tinanggap ang buhay Gay Christian. Ang sarap pala. Walang guilt.

Lalo na nang magkaroon ako ng partner na lalaki noong May 15, 2006. At kinasal kami noong September 14, 2009. Ngayon mag pipitong taon na kami.

Dalangin ko lang na sa Pilipinas na magkaroon ng Same Sex Marriage. I am giving myself 10 years on this advocacy.

Ang pagbabago ng isang Gay Christian ay hind maging straight upang magkaroon ng salvation bagkus ang buhay ng isang Gay Christian ay relasyon niya sa Maykapal. Sabi nga sa John 3:16, “whosoever” kahit sino basta’t manalig lamang kay Jesus ay ikaw ay maliligtas, maging beki man ako.

Ang salvation naman ay hindi nakukuha sa sexualidad kundi sa pakikisalamuhan mo sa iyong kapwa.Huwag mong sabihing mahal mo ang Diyos pero hindi mo naman tanggap ang mga LGBT?

Marami akong nais ipaghayag, sabihin sa aking transformation bilang isang Gay Christian.

Next na lang..

 

Rev.Ceejay Agbayani

 Image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s